By

Emergency vehicles puwede sa ASEAN lanes – MMDA

Sharing is caring!

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority na maaring gamitin ng emergency vehicles ang exclusive ASEAN Lanes.

Ngunit ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, ang pagpasok ng mga ambulansiya at responder vehicles sa ASEAN Lanes ay kung may pangangailangan o emergency cases lang.

Aniya, magagamit lang din ng emergency vehicles ang special lanes kung walang convoy ng mga ASEAN delegates base sa abiso ni Manny Miro, head ng ASEAN 2017 Task Force Traffic Management.

Simula kahapon inulan ng batikos mula sa mga netizens at motorista ang MMDA dahil sa matinding traffic na nilikha ng ASEAN Lanes sa EDSA .

Kabilang sa mga puna ang hindi pagpapapasok ng mga ambulansiya sa linya ng EDSA para sa mga delegado. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?