95

Jan 2, 2018 @ 16:10
By

Emergency powers kontra traffic, target ipasa ngayong Enero

Isasalang na sa plenary debate ng Kamara ang Traffic Crisis Act sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa January 15.

Layon ng House Bill No. 6435 na bigyan ng emergency powers si Pang. Rodrigo Duterte para masolusyunan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila, Cebu at Davao City.

Ayon kay House transportation committee chairman Cesar Sarmiento, target nilang maaprubahan ang panukala sa third and final reading ngayong Enero.

“It will be calendared for plenary debate when we resume session in mid-January,” ani Sarmiento.

Sa ilalim ng panukala, lilikha ng isang traffic authority na pamumunuan ng trafffic czar na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The traffic czar is expected to come up with a traffic management plan within 90 days that will harmonize and unify all existing traffic regulations in the affected areas,” paliwanag ni Sarmiento.

Itinatalaga naman ang Department of Transportation (DOTr) Sec. bilang de officio Traffic Chief na may kapangyarihang gumawa ng sistema sa pagmamando ng traffic at transportasyon, at kontrolin ang paggamit sa mga lansangan sa Metropolitan Areas.

Ito rin ang mangangasiwa sa Metropolitan Manila Development Authority; Cebu Coordinating Council; Philippine National Police-Traffic Management Group; Land Transportation Office; Land Transportation Franchising and Regulatory Board; Road Board; at Davao Traffic Administrator. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?