21

Emergency powers bill, ipapasa sa Enero 2018 – JV

Sharing is caring!

Posibleng sa Enero sa susunod pang taon maaprubahan ang panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para maibsan ang matinding trapik na nararanasan sa Metro Manila.

Ayon sa senador, kailangan maipasa na ang panukala sa Enero dahil posibleng maisantabi ito bunsod ng nakaambang impeachment case laban Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kung ma-impeach sa Kamara si Sereno, iakyat naman ito sa Senado sa Pebrero o Marso. Ang Senado ang magsisilbing impeachment court sa reklamo laban kay Sereno.

“Ang worry ko na lang dito kung matuloy impeachment that would stall us again, talagang not for anything,” pahayag ni Ejercito sa isang forum.

Aniya, maraming legislative measure ang matatamaan kung matutuloy ang impeachment trial kay Sereno

“Yun lang ang personal na ano ko bakit kaya ayoko sana ng impeachment kasi ang daming mape-pending eh, especially ‘yung emergency powers na I still feel is needed and with urgency,” ani Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?