1,043

Oct 6, 2021 @ 16:54
By

Emergency alert hinijack ng BBM camp?

Pinaiimbestigahan ng Bayan Muna kung papaano nagamit ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos ang emergency alert frequency na dapat ay ginagamit lamang sa panahon ng kalamidad.

Kung totoo umano ito, sinabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares hinid lang pala kaso ng ill-gotten wealth ang isyu kundi “ill gotten airwaves din pala.”

“If they indeed hijacked the Bayan Muna authored law for emergency alerts, then they should be investigated. When we authored the bill my intention was to help save lives. Not to be used for vested personal interest of politicians. Kung totoo ito, di lang ill gotten wealth ang kaso, ill gotten airwaves din pala,” sabi ni Colmenares.

Matapos magdeklara na tatakbo noong Martes, pumasok sa mga cellphone ang emergency alert messages na may #BBM2022.

Nakasulat sa emergency alert ang: “Buong Buo and Malasakit sa Bansa. Buong Buhay and Maialay sa taong bayan. Bagong Bukas na Masagana para sa masa. BaBangon Muli ang Pilipinas (V) BBM sa bansa, BBM sa taong bayan, BBM sa Masa. BBM Pilipinas!!! #BBM2022”

Kumakalat ang litratong naturang emergency alert ngayon sa social media.

Sinabi ni Colmenares na kung totoo na na-hijack ang frequency ng emergency alert indikasyon ito ng “greed” ng mga Marcos na makabalik sa Malacañang.

Sa ilalim ng Free Mobile Disaster Alerts Act (RA 10639) ang National Telecommunication Commission (NTC), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga telecommunication company ay inaatasan na magpadala ng emergency alert upang makapaghanda ang publiko sa paparating na kalamidad o masamang panahon.

“If they indeed hijacked the Bayan Muna authored law for emergency alerts, then they should be investigated. When we authored the bill my intention was to help save lives. Not to be used for vested personal interest of politicians. Kung totoo ito, di lang ill gotten wealth ang kaso, ill gotten airwaves din pala,” sabi ni Colmenares na isa sa may-akda ng panukala.

Ayon naman kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate dapat magsagawa ng imbestigasyon ang NTC at Department of Information and Communications Technology (DITC) kung papaano nagamit ang naturang frequency.

“This casts serious doubt on the integrity of the system, which people are supposed to rely on for life-saving information. Aside from the NTC and the DITC, Congress should also probe this underhanded style of campaigning,” dagdag pa ni Zarate. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?