31

Nov 22, 2021 @ 20:28
By

Emerald Avenue exclusive sa mga pedestrian tuwing Linggo

Exclusive na para sa mga pedestrian tuwing Linggo simula noong Nov. 21 ang Emerald Avenue sa Pasig City.

Mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi tuwing Linggo isasara sa mga sasakyan ang Emerald Avenue para makapag-jogging, cycling, zumba at iba pang aktibidad ang mga pedestrian.

Layon nito na makapag-promote ng “open public spaces” sa Pasig na libre sa mga residente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?