26
embiid
Apr 20, 2018 @ 14:57

Embiid umiskor ng 23 sa pag-apula ng 76ers sa Heat

Hindi kumportable sa suot niyang maskara si Joel Embiid sa unang sabak niya sa playoff kontra Miami.

Kinailangan ni Embiid na protektahan ang mukha mula sa natamo noong orbital bone injury, pero hindi ito naging problema dahil tumulong siya ng 23 points para apulain ng Philadelphia 76ers ang Miami Heat, 128-108, Huwebes sa American Airlines Arena.

Naiuwi ng Miami ang 2-1 series lead sa tulong din ng tig-21 points nina Dario Saric at Marco Belinelli.

Sisiklab ang Game 4 sa Sabado sa Miami pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?