46

Jan 10, 2020 @ 16:03
By

Embiid nambulabog sa locker room

Napapalibutan ng kanyang players at assistants, handa nang kalembangin ni Brett Brown ang postgame victory bell sa locker room nang mapansin ng Philadelphia 76ers coach na tumunog ang phone ni Elton Brand.

Pamilyar ang mukha sa telepono ng general manager.

Si Joel Embiid sa FaceTime, tumatawag mula New York. Naka-iskedyul magpaopera doon ni Embiid ngayong araw para ayusin ang torn ligament sa kamay.

Natuwa si Embiid dahil naigapan ng Sixers ang panalo ilang oras matapos makumpirma ng team na out indefinitely ang All-Star center.

“We’re going to miss Joel for however long it is,” ani guard Ben Simmons. “But tonight was a good start.”

Umiskor si Josh Richardson ng 29, tumapos si Simmons ng 19 at tinalo ng Embiid-less Sixers ang Boston Celtics 109-98 Huwebes ng gabi.

Pinag-slide ni Brown sa starting rotation si Mike Scott kasama sina Al Horford, Tobias Harris, Richardson at Simmons. May plays na nasa center si Simmons, nakakuha pa ng charge mula kay Enes Kanter 1:45 pa sa first quarter.

Dahil hindi pa alam kung kailan babalik si Embiid, piniga ni Brown kahit ang kanyang deep reseves. Si Furkan Korkmaz, nagbaon ng 3 sa dulo ng fourth tungo sa 91-87 lead.

Nakumpleto ni Horford, umalis sa Boston nitong offseason para pumirma ng four-year deal sa Philadelphia, ang three-point play para ilayo sa pito. Nanindak sa dalawa ang Celtics pero sumagot ng 9-0 run ang Sixers para ikahon ang laro.

Nagkaroon din ng injury scare ang Celtics, inabot ng sprain sa kaliwang hinlalaki si Kemba Walker. Sa second quarter, bumangga si Walker kay Scott at napahawak agad sa daliri. Pumasok ng locker room si Walker, bumalik na nakabenda at tumapos ng 26 points mula 10 of 20 shooting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?