214

By

Embiid nagreklamo, humina matapos ang Butler trade

Sharing is caring!

Hindi matanggap ni Philadelphia 76ers center Joel Embiid ang kanyang bagong role sa koponan matapos mailipat sa kanila ang star player na si Jimmy Butler.

Bumaba ang produksyon ni Embiid lalo na pagdating sa field goal percentage, may 14 na pasok sa 42 na tira sa huling tatlong laro, at isinisisi ito ng Cameroonian big man sa tila maling paggamit sa kanya sa basketball floor.

“I haven’t been myself lately, I think it’s mainly because of the way I’ve been used, which is I’m being used as a spacer, I guess, a stretch five, which I’m only shooting [29] percent,” saad ni Embiid sa Philly.com.

Nadidismaya rin ang 24-anyos na player dahil pakiramdam niya ay mas may ibubuga pa siya kung ibang role lang ang maibibigay sa kanya ni head coach Brett Brown.

“But it seems like the past couple games, like with the way I play, our setup, [coach Brett Brown] always has me starting on the perimeter … and it just really frustrates me. My body feels great, and it’s just I haven’t been playing well,” dagdag pa niya.

Kanya ring sinabi na nagsimula ang pagbaba ng kanyang laro nang matuloy ang Jimmy Butler trade, kung saan si Butler na ang tumatayong main man para sa 76ers.

“I tend to get triple-teamed a lot. I was in the flow of the offense. I feel like I’m not anymore. There’s not a lot of possessions on the block. I don’t know. We got to figure it out,” pahayag pa ng one-time NBA All-Star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }