74

Embiid, nagmaktol sa pagtrato sa kanyang ‘sanggol’

Sharing is caring!

Idinaan ni Philadelphia All-Star center Joel Embiid sa social media ang pagkainis nito matapos siyang hindi paglaruin sa pagtusta ng Miami Heat sa 76ers, 113-103, sa Game 2 ng playoff series nila sa Eastern Conference.

Hindi pa nakakapaglaro si Embiid mula nang mabasag ang orbital bone malapit sa kaliwa niyang mata laban sa New York Knicks noong Marso 28.

Pero ayon sa 7-footer na Cameroonian, hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na maglaro kontra Miami kahit na-clear na siya sa concussion protocol.

“(Expletive) sick and tired of being babied,” ani Embiid sa Instagram post nitong Lunes matapos itabla ng Miami ang serye sa 1-1.

Gaganapin ang Game 3 ng Heat-Sixers battle sa Miami sa Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?