16

Jan 23, 2021 @ 20:19
By

Embiid, Harris, Sixers tinibag muli Celtics

Pasabog ng dominanteng 38 points at 11 rebounds si Joel Embiid, nag-ambag ng 23 points si Tobias Harris at inulitan ng Philadelphia ang Boston 122-110 Biyernes ng gabi.

Balik ng starting lineup si Seth Curry matapos ang pitong larong pagliban dahil sa positive COVID-19 test at umiskor ng 15 para sa 76ers.

Humarabas din si Embiid ng 42 points sa 117-109 win ng Philly sa Celtics noon lang Miyerkoles.

Si Jaylen Brown naman ang umiskor ng 42 nitong Biyernes para sa Boston, may 20 markers si Marcus Smart. Pero hindi kinaya ng Celtics ang mas suwabeng execution ng Philadelphia.

Ayon kay Smart, pang-award daw ang arte ni Embiid kapag namimingwit ng foul. Nasosobrahan ang acting para mapansin ng officials.

Pero nag-resulta ‘yun sa 15 biyahe ni Embiid sa free throw line, isa lang ang minintis.

Tinawanan lang ni Embiid ang paratang ni Smart na isa rin daw maarteng maglaro. Si Sixers coach Doc Rivers ang sumagot.

“Great actors know great actors,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?