77

Sep 17, 2019 @ 17:15
By

Embahada ng Netherlands sa PH nilusob ng mga pro-gov’t group

Sinugod ng Liga Ng Mga Magulang at iba pang makagobyernong grupo ang Embahada ng Netherlands sa lungsod ng Makati upang kundenahin ang patuloy umanong pagrerekrut ng mga aktibista, at igiit na tigilan na ng Dutch Government ang pagkupkop kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison para mapauwi sa bansa.

Dakong alas-diyes ng umaga ngayong Martes, Setyembre 17, nang sugurin ang nasabing tanggapan ng mga magulang, maralitang taga-lungsod, at kabataan, kung saan nanawagan silang itigil na ang pagkanlong sa lider ng CPP para agad na maaresto at makaharap sa kanyang kaso dito sa bansa.

Ang panawagan ng mga magulang ay bunsod umano ng patuloy na pagsali ng kanilang mga anak sa mga aktibistang grupo, kung saan hinihikayat umano ang mga ito na sumapi sa hukbo ng CPP na New People’s Army.

Ayon kay Remie Rosadio, lider ng Liga ng mga Magulang, tinuturuan umano ng mga makakaliwang grupo ang mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad na labanan ang gobyerno.

Bantay-sarado naman ang Makati City Police sa ginawang pagsugod ng mga nasabing grupo upang maiwasan ang anumang sakitan sa naturang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?