80

By

Ely Buendia, The Itchyworms magsasama sa isang concert

Kaabang-abang para sa mga Pinoy rock fanatics ang collab concert nina Ely Buendia at ng bandang The Itchyworms.

Siguradong na-miss ng mga fan ang pag rock n’ roll ng idolong si Ely Buendia at ngayon ay excited ang mga ito sa magaganap na concert ng singer kasama ang isa pang idolo, ang bandang The Itchyworms.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama ang Itchyworms at si Buendia.

Matatandaang nag labas ng 2 collaboration ang mga ito na pinamagatang “Pariwara” at “Lutang”.

Tampok din sa magaganap na concert ang performances mula sa Offshore Music Acts One Click Straight, at Pinkmen.

Magaganap ang naturang pagtatanghal sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila sa darating na February 9, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?