1,190

Oct 7, 2021 @ 17:25
By

Ely Buendia ‘siningil’ sa pramis na Eheads reunion

Kinalampag ng mga netizen si Eraserheads vocalist Ely Buendia matapos ianunsyo ni Vice President Leni Robredo ang pagtakbo niyang pangulo sa Halalan 2022.

Matatandaang sinabi ni Buendia na posible ang Eraserheads reunion “kapag tumakbo si Leni.”

Nilinaw naman ni Buendia na sarili lamang niya itong political views at hindi ng mga kasama niya sa banda.

Ngayon ngang tatakbo na bilang presidente si Robredo sa 2022 ay nanawagan ang mga fan ng iconic OPM band na ikasa na ang pagbabalik ng Eraserheads.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: