331
ABANTE ely buendia eraserheads 2018 reunion

Ely Buendia kontra sa Eraserheads reunion 2018?

Patuloy pa rin ang hirit ng mga fans ng Eraserheads na magkaroon ng reunion ngayong 2018.
Subalit mismong si Ely Buendia ay nagpahiwatig na malabo nang mangyari ito dahil lahat ng miyembro ng grupo ay abala na sa kani-kanilang banda.
Siya nga mismo ay busy na sa kanyang tatlong banda, ang The Oktaves, Pupil at Apartel.
Ang mga dating Eraserheads members na sina Buddy Zabala (bass), Marcus Adoro (lead guitar) at Raimund Marasigan (drums) naman ay may kanya-kanya na ring grupo at abala sa mga gig ngayong Enero.
Nitong Enero 21 nag-show ang tatlo sa Marriott Grand Ballroom, Resorts World Manila kasama si Maysh Baay ng Moonstar88 frontwoman Maysh Baay.
Sabi nga nila, mistulang reunion daw sana ito lalo na kung kasama si Ely Buendia sa naturang gig.
Kaya naman marami sa kanilang mga fans ang patuloy pa ring umaapela na mag-reunion sana ang Eraserheads ngayong 2018.
Subalit mukhang ayaw ni Ely sa ideyang ito. Pahiwatig nito sa kanyang Twitter account:
“Some people will never understand that people who don’t get along can’t work together.”
Agad itong kumambiyo at sinabing:
“Just to clear things up, not all my tweets are bout the heads, I’ve no problem with the other three they’re great guys, much respect”.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?