24
elton john
Jan 25, 2018 @ 13:37

Elton John magreretiro na

Matapos ang halos kalahating siglo ng kanyang pamamayagpag, inanunsiyo ni Sir Elton John ang plano niyang pagreretiro sa pag-perform sa iba’t ibang bansa.

“I gave people a hell of a lot of pleasure,” ani John sa ABC News.

“Our songs will live on.”

“I want my last performance to be in America because my first performance will be in America,” dagdag pa niya sa kanyang pinaleng tour.

“This is where I got my start, this is in 1970 at the Troubadour that it all started, and I owe this country so much, and I’m so fond of this country … I want to start and finish in America.”

Ang desisyon umano niyang ito ay para bigyang prayoridad ang kanyang pamilya, mga anak at kanyang asawa na si David Furnish.

Nanalo ng award sa Oscar si John sa kantang “Can You Feel the Love Tonight” at mayroon nang limang Grammy awards.

Nagsimula siyang kumanta noon pang 1960s.

Nakatakda naman siyang makipag-duet kay Miley Cyrus sa gaganaping 2018 Grammy Awards nitong linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?