33

Jun 15, 2020 @ 15:31

Elorta hari sa online blitz chess

Kilalang malupit sa blitz at mabilis tumira si Fide Master David Elorta kaya nakasorpresa bilang kampeon sa 2nd Baby Uno Chess Challenge Online Blitz Tournament sa lichess.org noong Linggo.

Nagtala si Elorta ng 12.5 points mula sa 11 wins, three draws at 1 loss sa 15 rounds Swiss system event na may time control format na three minutes plus two seconds increment.

Pumangalawa lang ang mga paboritong si Grandmaster Darwin Laylo na may undefeated score 12 points sa likod ng 9 wins at 6 draws, at pumangatlo si deposed champion GM Rogelio Antonio Jr. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?