1,063
views

By

ElNella nilampaso sa kasikatan ang MayWard, JoshLia, McLisse

Sharing is caring!

May pa-poll ang isang website ng ABS-CBN tungkol sa June cover ng magazine nila. Apat na love team kasi ng Kapamilya network ang nasa June cover ng nasabing glossy magazine.

Ang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto na mga bida sa Star Cine­ma movie na ‘I Love You, Hater’. May cover version din ang ElNella love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Cover din ang McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson at hindi rin nagpahuli ang cover naman ng MayWard love team nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Pero sa tanong nga na, ‘Which love team slayed the Metro June issue co­ver?’ tinalbugan ng ElNella love team ang tatlo pang nabanggit na love team, huh!

As of this writing kasi, may 42.99% na ang ElNella at pangalawa ang MayWard na nakakuha ng 24.26% at pangatlo lang ang JoshLia na nakakuha ng 22.40% at nangungulelat naman ang McLisee sa 10.35%, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?