130
abante-tnt-vismin-elmo-magalona-janella
By

Elmo Magalona, nag-tweet ng sweet message kay Janella Salvador

Sharing is caring!

On-going ang red carpet celebrity premiere ng “So Connected” na pinagbibidahan ng Kapamilya stars na sina Janella Salvador at Jameson Blake.

Understandable kung hindi umapir sa SM Megamall Cinema 7 (kung saan ginaganap ang premiere night) si Elmo at hindi siya ang official escort ni Janella.

Wala man si Elmo, idinaan niya sa Twitter ang mensaheng gusto niyang ipaabot sa dalaga.

Shout-out ni Elmo sa Twitter (@SuperElmo) para sa kanyang on and off screen partner.

“Tonight’s the night! Tonight, on the big screen, you’ll capture all. With your talent, beauty, and most importantly, your heart.”

“Another milestone for you. I’m so proud of you! :)”

“Goodluck on the premiere night, @superjanella!”

“I mean… Trisha.:)” at tinapos niya ang mensahe kay Janella ng hashtag na #SoConnectedRedCarpetPremiere.

Trisha ang character na ginagampanan ni Janella at Karter naman ang role ni Jameson sa pelikula.

As of posting, wala pa kaming nabasang reply mula kay Janella.

“So Connected” hits cinemas nationwide starting tomorrow, May 23. Mula ito sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon naman ni Jason Paul Laxamana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?