438

Jan 7, 2022 @ 20:47
By

Elmo Magalona, Jane Oineza ‘nagtikiman’

Napa-“oh my gosh” si Elmo Magalona kay Jane Oineza.

Reaksyon ito ng aktor sa lampungan scene nila ni Jane sa third season ng “Click, Like, Share”.

May apat na episode ang “Click, Like, Share” pero kina Elmo at Jane ang pinaka-mature sa lahat.

Sa “Unseen” episode ang pagbabalik-telebisyon ni Elmo, na ayon kay Jane ay pinaghandaan daw ng una.

“Pinaghandaan talaga ito ni Elmo. Nung nag-script reading kami nito, sabi namin, ‘Oh my gosh, may ganitong scene.’ Nag-prepare siya nang bongga,” kuwento ni Jane sa isang virtual press conference.

Isang photographer ang role ni Jane at assistant niya si Elmo, kung saan naging lovers sila.

Mapapanood ang “Click, Like, Share” sa iWantTFC nitong January.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?