902

Jun 7, 2018 @ 22:52
By

Elmo, Kiko, Jerome, Donny hindi na virgin

Sa kulturang Filipino, parang taboo pa rin talagang hingin ang opinyon ng mga babae sa usaping pre-marital sex. Observe na observe namin ito sa grand presscon ng ‘Walwal’, ang latest Regal Films movie offering na very youth oriented ang tema sa direksyon ni Joey Reyes.

Although feel naming may isasagot ang mga girl, pero parang mas nasanay na tayong sa mga lalaki na lang ito itanong nang diretso, lalo pa’t sa movie ay tinema nga ito.

Ang mga bidang lalaki ditong sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce at Donny Pangilinan, ay may kani-kaniyang paraan ng pagsagot, pero it all boils down to being responsible at paglagay sa isip nila ng magiging consequence ng action nila.

At nang merong magtanong kung ‘virgin’ pa ba ang mga ito, sabay-sabay pa ang mga ito sa pagtanong ng ‘saan?’ (Ambet Nabus)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?