259

Nov 1, 2017 @ 14:48

Elmo inangklahan na si Janella

Ayaw pang umamin nina Elmo Magalona at Janella Salvador pero halata namang meron na silang understanding o romantic relationship.

Nakaposte sa Instagram account ni Janella ang happy moments photo opt nilang dalawa ni Elmo na kuha sa isang venue.

Nakaupo sa sofa si Janella at nasa likod naman ang naka-angkla sa kanyang si Elmo.

Sabi ni Janella sa photo habang wagas ang pagkakangiti ganundin si Elmo sa kanilang sobrang sweetness, @superjanella, “always”.

Madaling paniwalaang may relasyon na ang dalawa dahil bukod sa kanilang masayang itsura, sweet ang dalawa sa pagkakahawak sa isa’t-isa ng kanilang mga kamay.

Isa pa, nakasuot ng couple shirt ang dalawa na usung-usong ginagawa ng mga boyfriend and girlfriend ngayon.

Marami naman ang kinikilig sa dalawa sa maganda nilang on and off camera closeness.

Naniniwala ang mga followings ni Janella na ang ina nitong si Janine Desiderio ang dahilan kung bakit itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon.

Napabalita ang hindi pagkakaunawaan ang mag-ina na may kinalaman sa current lovelife status ng young actress.

Wala namang ibang nali-link kay Janella kundi si Elmo, kaya ipinapalagay na tutol ang Mommy nang aktres kay Elmo. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?