3,011

Jan 10, 2022 @ 11:22
By

Elmo hindi kumakain para kay Jane Oineza

Matinding preparasyon ang ginawa ni Elmo Magalona para sa bago niyang proyekto kasama si Jane Oineza, kung saan magtatambal ang dalawa tampok ang mga maiinit na eksena.

Magtatambal ang dalawa sa isang episode ng ‘Click, Like, Share’ na pinamagatang ‘Unseen.’

Ibinahagi ng dalawa sa isang virtual presscon kung paano nila pinaghandaan ang tambalan.

“Kahit sa set namin, ayoko talagang masira ‘yung mood ng eksena kaya I needed to prepare for it. It was done with class,” kuwento ni Elmo.

“Before they went up to me with this project, sinabi naman nila na ‘yung magiging episode namin will be the most mature out of all the episodes. Kaya we really wanted it to have that different type of depth,” dagdag pa niya.

“But honestly, nu’ng nakuha ko yung script, hindi ko alam na may ganun palang scene. So hindi naman siya grand preparation. Alam mo yung parang meron kang exam tomorrow, magka-cram ka lang,” pagtutuloy ni Elmo.

“Ganu’n yung naging pakiramdam ko nung nagpi-prepare ako for Click, Like, Share. Pero I was patient. Hindi ako kumakain and everything para lang mapaganda lang yung scene namin ni Jane,” aniya.

Kaya naman, ipinagmalaki ng aktor na hindi siya aatras sa mga mas challenging na role sa hinaharap.

Mapapanood ang “Click, Like, Share” sa iWantTFC simula Enero 12. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?