134

Feb 24, 2021 @ 21:48
By

Elliptical Road nagmistulang parking lot sa barilan sa Commonwealth Ave

Binalaan ang mga motorista sa mabagal na daloy ng trapiko sa Elliptical Road sa Quezon City matapos ang shooting incident malapit sa isang mall sa Commonwealth Avenue nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na-monitor ang usad-pagong na daloy ng mga sasakyan sa Elliptical Road bandang alas-6:57 ng gabi.

Bunsod ng shooting incident na kinasasangkutan umano ng Philippine National Police ng 6:08 ng gabi, nagsara ang eastbound lane ng Commonwealth Avenue.

“MMDA ALERT: Shooting incident at Commonwealth Ave. Ever Gotesco EB involving PNP as of 6:08 PM. Temporarily full stop EB lane. PNP and MMDA on site,” tweet ng MMDA, Peb. 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?