64

Dec 4, 2017 @ 15:42

Ellie Goulding, itinalagang UN ambassador

Itinalaga bilang United Nations (UN) Environment Global Goodwill Ambassador si Pop star Ellie Goulding.

Ito ang inanunsiyo ng hitmaker sa kanyang social media post ng larawan habang nagpapakain ng endangered nang giraffe kamakailan nang bumisita ito sa UN Environment headquarters sa Nairobi, Kenya.

“I’m delighted to announce that I have become a UN Environment Global Goodwill Ambassador,” sabi nito sa caption ng larawan.

“Thank you to @unep head @eriksolheim for making it official @giraffe_manor.All witnessed by Ed the giraffe (he’s pretty special. Only 800 of his species left). ­­­­­­Feel very honoured.”

Kaugnay nito, nakipagtulungan si Ellie kay American actor Adrien Grenier para puksain ang polusyon sa karagatan bilang parte ng inisyatibo ng UN Clean Seas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?