12

Feb 24, 2021 @ 19:35
By

Ellie Goulding buntis na!

Nagdadalantao na si Ellie Goulding.

Sa Twitter ay nag-share ang English singer ng mga litrato niya habang nakasuot ng puting damit, litaw ang kanyang baby bump.

“I’ve received so many kind messages of love and well wishes today, thank you,” sey ng “Love Me Like You Do” hitmaker.

Ayon sa Vogue report, 30 weeks pregnant na si Ellie.

Una nilang nalaman ng kanyang asawang si Caspar Jopling na buntis siya nang markahan nila ang first wedding anniversary noong August 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?