8

By

Ellen vs menor-de-edad may hearing ulit sa June 25

Sharing is caring!

Si John Lloyd Cruz ang nag-attend sa preliminary hearing na ni-reschedule nitong Lunes, June 11 matapos mabigong dumalo ang kanyang dyowang si Ellen Adarna sa unang preliminary hearing noong June 4.

Ito nga ay may kinalaman sa isinampang reklamo on child abuse and cyber-bullying ng magulang ng isang menor-de-edad.

Kasama ni Lloydie na dumating ang abogado na nagri-represent kay Ellen na dinaluhan din ng complainant na sina Myra at Roel Santos kasama ang kanilang legal counsel din.

Tumagal lamang ng halos tatlong minuto ang pagharap-harap na ‘yun at pagkatapos ay hiniling ng abogado ni Ellen na muling mai-reset ito sa June 25.

Maaaring ang pagdadalantao ni Ellen ang naging dahilan kung bakit hindi ito nakarating nang personal kaya si John Lloyd na lamang at ang counsel nila ang dumating.

Wala namang report kung ano ang nag-transpire sa pag-uusap na ‘yun, pero dahil si Ellen ang talagang nirereklamo, expected na sa mga susunod na paghaharap ay siya na mismo ang dadalo.

Tahimik din ang kampo ng mga Santos hinggil sa muling hindi pagsipot ni Ellen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?