27
ellen2
By

Ellen Pompeo ninakawan sa Italy

Kinuwento ng bida ng American medical series na Grey’s Anatomy na si Ellen Pompeo na naging biktima siya ng burglary noong magbakasyon siya sa bansang Italy.

Sa kanyang Instagram account, pinost doon ng Hollywood actress ang nangyari sa kanya.

“My purse was stolen from right under my nose!! I blame the rose!! But Grazia to whoever stole it for dropping it on the street exactly in tact. I was tracking my phone and chasing you down…had I caught you… it would not have ended well for you… I am nice but lets not forget my heritage… NAPOLITANO….

“Also I hope you were smiling because e Sarai catturato perche sei in macchina. Please forgive my horrible Italian.”

Ang sinasabi ng aktres na ang magnanakaw ay malamang nakunan ng camera.

Rumesponde agad ang Italy police noong makita nila ang IG post ni Ellen at tinulungan nila ito agad.

“#Thankyou @EllenPompeo #GreysAnatomy Happy to know the #Police in #Florence helped you,” reply pa ng police department sa aktres.

Nagpakita naman ng concern ang co-star ni Ellen sa show na si Giacomo Gianniotti. Na sana raw ay nandoon siya para siya ang huhuli sa magnanakaw.

“Cmon Ellen! You didn’t hit up your boy for an Italian translation? Haha I’ll be there in July and I’ll be on the prowl for your boy, he don’t stand a chance. Glad you are safe!”

Nagbakasyon si Ellen sa Florence, Italy para makapag-relax at makapag-recharge bago siya ulit bumalik sa studio para sa pag-tape ng bagong season ng Grey’s Anatomy kunsaan gumaganap siya bilang si Dr. Meredith Grey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?