640

Dec 15, 2017 @ 12:22
By

Ellen, nawala ang pagka-wild dahil kay John Lloyd

Hanggang throwback na lang muna si Ellen Adarna sa ilang mga photos niya sa Instagram wall gaya ng pagpo-post niya ng mga dating sexy photo bago pa man sila naging super-close ni John Lloyd Cruz.

Nagposte si Ellen ng long shot ng paglalakad niya sa gilid ng isang infinity pool sa isang beach island resort na pinuntahan niya noon.

@maria.ellen.adarna, “@vitoselma #throwbackthursday.”

Makikita sa IG photo na ito ni Ellen sa kanyang wall na suot ang isang skintone na two-piece bikini habang naka-pose sa gilid ng pool at ang background ay ang panoramic view ng dagat at ng ulap.

Kung dati madalas mag-post si Ellen sa IG niya ng mga bikini photo niya na talaga namang nakaka-wow ang kaseksihan, ngayon ay hanggang throwback na lang muna siya dahil nga marahil sa napapabalitang pagbubuntis nito na ang ama ay ang aktor na si Lloydie.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa pagdadalantao ng sexy actress bagama’t napabalita na ngang buntis ito sa kasalukuyan.

Nanatiling tikom ang bibig nina Ellen at John Lloyd na active sa social media, lalo na ang aktres, para magbigay-linaw tungkol sa pregnancy rumors.

Nanahimik nang bonggang-bongga si Ellen pati na ang pagiging wild niya sa social media mula nang maging sila ni John Lloyd at magbalik mula sa bakasyon-grande nila sa Europe.

Inaasahan na lang na ngayong holiday season, si Ellen na ang bibitbitin ni John Lloyd sa Christmas celebration niya kasama ang kanyang pamilya at gayundin ang aktres sa kanyang pamilya sa Cebu. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?