60
ellen-john-lloyd
By

Ellen natakot sa talak ng mga fan; mensahe, komento sa IG burado, limitado

Sharing is caring!

Ngayong nakahain na ang complaints na ‘cybercrime at child abuse’ laban kay Ellen Adarna, naghihintay ang lahat sa reaksyon ng kontrobersyal na live-in partner ni John Lloyd Cruz.

Sa mga kasong inihain ng parents ng bagets na si Eleila Santos na sina Myra at Roel Santos sa isang sala sa Pasig City, desidido umano ang mga ito na proteksyunan ang nag-iisang anak nila kahit pa sinasabing ‘power couple’ ng showbiz sina Ellen at Lloydie.

Agad naming sinubukang kunan ng pahayag ang mga taong malalapit sa dalawa, subalit kahit sulat daw ay hindi sinasagot neither ni Lloydie o ni Ellen.

Sa latest post naman ni Ellen sa kanyang Instagram account, makikitang sini-shave nito ang buhok sa ulo ni Lloydie at gumamit ng hashtag na #thingswedoat home.

As usual, ni-like ito ng mga close friends nila gaya nina Beauty Gonzalez, pero binomba rin siya ng bashing kahit pa ini-off daw ni Ellen ang comments section lalo na sa mga hindi nito friend.

Tiyak namang kukuha ng kanyang abogado si Ellen dahil nakasampa na nga ang kaso laban sa kanya.

Hindi naman puwedeng patuloy niya itong dedmahin, ‘di ba? So, may aabangan ba tayong ‘finally’ pagharap o pagsagot nila after so quite a time na ang lahat ng tao ay nag-wan-plus-wan lang sa mga naging sitwasyon nila?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?