430
ellen

Ellen nagtaray, gumanti sa ‘paparazzi’ customer

Naging viral ang larawan ng isang kostumer na ipinoste ni Ellen Adarna na kuha sa isang ramen restaurant sa Makati.

Ganti umano ito ni Ellen sa pagiging paparazzi ng nasabing customer na si “Eleila” dahil pasimple rin siyang kinukunan nito.

“When you PAP us We PAP you. Its a tie #PAParazziMoves,” sabi ni Ellen sa caption ng larawan ng nasabing customer.

Nag-post pa ng video ng babae ang aktres, at sinabing mukhang naaasiwa na ito matapos malaman na bini-video-han siya ni Ellen.

“Oo yan ha…you know the feeling…uncomfy noh?,” sabi pa ni Ellen.

Depensa ng customer na si “Eleila”, hindi nila alam ng kasama niyang lalaki na nandoon si Ellen at sinabing gusto lang niyang idokumento ang pagkain nila.

Ibinahagi rin ni “Eleila” ang video na kuha niya nang mapansin siya ni Ellen.

Makikita sa video ang ramen, ang pagkain ng kasama nitong lalaki, ang loob ng resto at iba pang kostumer nito kabilang na si Ellen, na mahirap namang mamataan sa video.

Pero hindi ito kinagat ni Ellen.

“Girl, you can deny all you want, but before your food arrived, you knew what you guys were doing. So whatever, feeling na kung feeling but hindi kami tanga,” sabi pa ni Ellen sa Instagram stories.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?