622

Nov 28, 2021 @ 14:02
By

Ellen humirit ng annulment kay Derek

Umagang-umaga ay inaasar na ni Ellen Adarna ang kaniyang asawa tungkol sa pores nito sa mukha.

Sa Instagram video na ibinahagi ng aktres, tinutok nito ang camera sa mukha ng asawa na si Derek Ramsay atsaka inasar ito tungkol sa malaking pores nito sa mukha.

“Oh my god your pores, they’re hideous!” saad ng aktres sa video.

“I’m so turned off. Ewww they’re hideous. Oh my god I want an annulment right now,” pang-aasar pa nito.

Sinagot naman ito ni Derek at sinabing gusto nito ng happy ending.

“Okay, I want a happy ending,” sagot ni Derek.

Dagdag pa ng aktres na umpisa pa lang ito dahil mas marami pang pang-aasar ang darating sa kanilang relasyon.

https://www.instagram.com/tv/CWzRffOlfca/?utm_medium=copy_link

(Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?