1,148

Oct 6, 2021 @ 10:21
By

Ellen, Derek enjoy sa pamamanhikan sa Siargao

Ipinasilip nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang naging trip nila sa Siargao kung saan sila namanhikan para sa nalalapit nilang kasal.

Makikita sa vlog ng dalawa ang ilan nilang naging sheninagans bitbit ang buo nilang pamilya kasama si Elias na siyang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Makikita sa vlog ang pag island-hopping, dolphin watching at pamimingwit nila ng isda.

Bukod dito, nag-road trip din ang dalawa sakay ng kanilang tsikot.

Nagsimula nang mamigay ng wedding invitation ang dalawa nitong nakaraang buwan.

Ayon kay Derek, balak niyang pakasalan ang aktres bago matapos ang taon. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?