12

May 13, 2021 @ 17:27
By

Ellen DeGeneres show magwawakas na

Matapos ang 19 taon, tutuldukan na ang popular daytime talk show ni Ellen DeGeneres.

Ayon sa ulat ng The Hollywood Reporter, wawakasan ang Emmy award-winning show sa susunod na taon matapos ang upcoming 19th season nito.

“When you’re a creative person, you constantly need to be challenged – and as great as this show is, and as fun as it is, it’s just not a challenge anymore,” sey ni DeGeneres sa interview.

Unang ipinalabas ang “The Ellen DeGeneres Show” noong 2003.

Mahigit 60 Emmy awards ang nasungkit nito.

Nagsimula ang career ni DeGeneres sa isang stand-up comedy sa kanyang New Orleans hometown bago siya nakilala sa telebisyon at bumida sa “Ellen” kalagitnaan ng 1990s.

Maliban sa kanyang talk show, si DeGeneres ang nagboses sa makakalimuting isda sa “Finding Nemo” at “Finding Dory”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?