50

Dec 11, 2017 @ 12:30

Ellen DeGeneres, Portia DeRossi nag-evacuate dahil sa wildfire

Nalalagay sa peligro ang bahay ni Ellen DeGeneres sa Southern California dahil sa matinding wildfires na nararanasan doon.

Dahil dito, inihayag ng talk show host, 59, sa kanyang Twitter, na nag-evacuate sila ng kanyang asawang si Portia deRossi sa kanilang bahay sa Carpinteria, Calfornia, sa south Santa Barbara.

Kasama nilang nag-evacuate ang kanilang mga alagang hayop.

Kabibili lang noong Oktubre ni DeGeneres ang bahay sa halagang$18. 6 million.

“Our house is under threat of being burned. We just had to evacuate our pets,” sabi ng sikat na TV host sa kanyang Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?