135

Jul 7, 2020 @ 18:26
By

Ellen DeGeneres patay na?

Marami ang nagtaka kung patay na raw ba ang sikat na American talk show host na si Ellen DeGeneres.

Ito’y matapos mag-trending ang hashtag na #RIPEllen sa Twitter Philippines.

Pero ayon sa ulat, nag-trend ang #RIPEllen dahil may mga tsismis na sisibakin na ang talk show niyang “The Ellen DeGeneres Show”.

Bago nito, marami ang pumuna kay Ellen matapos niyang ikumpara ang lockdown at quarantine sa kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?