334

Sep 29, 2017 @ 21:18

Ellen at John Lloyd, kaabang-abang ang eksena sa Star Magic Ball

Marami na nga­yon ang nag-aabang sa magi­ging ‘kuda’ ni Angelica Panganiban tungkol sa isyu kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Kahit matagal nang hiwalay sina Angelica at John Lloyd, marami ang nagsasabi na pinaasa raw ng aktor ang ex-dyowa niya dahil after nilang mag-break, ilang beses din silang nagkikita na tila parang walang nangyari.

Tuloy, para sa nagmamahal sa dalawa, umasa ang mga ito na may chance na magkabalikan ang dalawa, pero yun nga, after ng ilang pagkikita nila, nanamlay muli ang closeness ng dalawa, at lumutang na nga ang ‘iskandalo’ kina Lloydie at  Ellen.

Dahil kababalik pa rin din lang Angge galing sa Nepal, wala pa pa kaming nababasa tungkol sa reaksiyon niya sa isyung ito. Lalo na’t marami ang umaakusa kay Ellen na panira raw ito sa career ng aktor.

Deadma pa nga si Angge, o talagang deadma siya sa isyu dahil puwede niyang sabihing ‘Paki ko ba? Ano ang kinalaman ko diyan?’

Oo nga naman.

Lalo na’t isang isang hugot line sa isang IG post niya ang tila makahulugan tungkol sa kanyang paglayo muna sa ating bansa.

Aniya, “Ganito pala maging malaya, ganito pala maging masaya. Maraming salamat Nepal. Nakaukit ka na. At talagang ipapaukit kita.”

Samantala, marami ang nag-aabang kung si Ellen ba ang makakasama ni Lloydie sa Star Magic Ball sa taong ito. Noong nakaraang taon ay escort siya ni Ms. Charo Santos dahil loveless nga siya that time at leading man din siya ng ABS CBN topnotch sa pelikulang Ang Babeng Humayo.

This time, ang ‘babaeng lumapit” na kaya ang irarampa niya sa nasabing annual grand ball ng Star Magic talents? Kaabang-abang, huh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?