28

Sep 28, 2020 @ 19:54

Ellen asar na lakwatsera

Hindi nakapagtimpi at sinagot ni Ellen Adarna ang isang basher.

Naligo sa ilog sa kabundukan si Ellen.

Binahagi niya iyon sa kanyang Instagram post at nilagyan ng caption na “Me x10.”

Isang netizen ang nag-comment doon na feeling dalaga raw si Ellen at panay ang lakwatsa.

“Dalaga ghorl? Ka laagan ba?”, sambit ng basher.

Ang ibig sabihin ay feeling dalaga umano ito at lakwatsera.

Halatang nainis si Ellen at sinabing dalaga man o hindi, lahat ng tao ay deserve ng break.

“First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break. Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.”

Ang tinutumbok ng aktres at ‘wag ipakita umano ang pagiging ignorante.

Si Ellen ay may anak na kay actor John Lloyd Cruz na si Elias Modesto (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?