269
ellen1

Ellen, tameme na sa demand na ‘public apology’ ng ina ni Eleila

Sharing is caring!

Tumahimik na si Ellen Adarna sa isyu ng minor na inakusahan nitong paparazzi sa isang ramen restaurant sa Makati.

Nag-trending ang ginawang pagpatol ng aktres sa 17-anyos na netizen na si Eleila at pagpapahaba sa isyu ng pagkuha umano sa kanya ng larawan at video ng naturang netizen.

Pumalag matapos nito ang nanay ni Eleila na si Myra Santos at nanghihingi ng public apology kay Ellen kung hindi ay kakasuhan nila ang aktres.

Pero hindi natinag o natakot si Ellen dahil imbes paghingi ng sorry na demand ni Mrs. Santos ay isang clip ng pagpapa-pedicure niya ang ipinoste ng dyowa ni John Lloyd Cruz sa kanyang Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?