227

Nov 8, 2021 @ 14:24
By

Ellen Adarna sinulit pagiging single

Ninamnam ni Ellen Adarna ang mga huling sandali ng pagiging single bago ang kanyang kasal kay Derek Ramsay, sa isang intimate bridal shower nito.

Kasama ang fiance niyang si Ramsay at ang anak nitong si Austin, nandoon din si Elias, ang anak niya sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz, masayang ipinagdiwang ng mga ito ang bridal shower ng magkasintahan.

Makikita sa Instagram story ng aktres na ito ay nakasuot ng all-white outfit, isang headband, at isang sash na nagsasabing siya ay isang bride-to-be.

Ginanap ito sa tila isang home garden na puno ng disensyo na bulaklak, may backdrop na may pangalan ng aktres, at kumikinang ng kulay rosas na ilaw.

Kasaman dumalo ang kanyang ina na si Meriam at ilang mga kaibigan.

Kinumpirma ni Adarna at Ramsay ang kanilang relasyon noong Pebrero. Plano daw nilang magpakasal ngayong taon, ngunit hindi pa nila inaanunsyo ang eksaktong petsa ng kanilang kasal. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?