112

Apr 21, 2020 @ 15:51
By

Ellen Adarna never naghabol

‘Di nakalampas maging si Ellen Adarna sa masaklap na karanasan ng “ghosting,” o iyong bigla ka na lang iniwan ng iyong karelasyon nang walang pasabi o paliwanag.

Nilantad niya ito sa question-and-answer session niya sa kanyang Instagram followers nitong weekend.

Kwento niya pa, bumalik ang ‘di pinangalanang ghoster pero ‘di niya na ito tinanggap. Ngunit sinabi niyang ‘di siya kailanman naghabol sa minamahal.

“He came back two weeks after with flowers and I told myself, ‘No, I was fine without you and I’ll be fine without you’,” sey ni Ellen, sa ulat ng PUSH noong Lunes.

“I gave myself pep talks that I am a strong, independent, and confident woman and I do not deserve a boy like that. He’s not worth chasing. I never chased,” sambit pa niya.

Kinilala rin ng 32-anyos na aktres ang yumaong tatay na si Alan Modesto, na aniya’y kinintal sa kanyang isip na dapat pahalagahan at pagkatiwalaan ang sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?