337

Dec 15, 2017 @ 18:39
By

Ellen Adarna nagpa-prenatal check-up sa St. Luke’s

Naka-scoop na naman ang Instagram account ni Nay Lolit Solis. May pinost itong larawan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Base sa caption niya, nasa St. Luke’s ang dalawa para sa pre-natal check-up ni Ellen.

Pinuri nito si John Lloyd na ipinapakita raw kung paano nito alalayan, suportahan at magpaka-hands on kay Ellen.

Aniya, “Very loving partner si John Lloyd ha sinasamahan partner niya at hands-on sa alaga. Lucky Ellen, pinakita lang talaga ni John Lloyd sa lahat na hindi biruan ang relasyon nila, hopefully forever kasi ‘di ba, ang sweet-sweet ng sinasamahan ka sa check-up ng lover mo?

“Iyon kasi moments medyo insecure at uncertain ang isang babae kaya dapat suportado siya ng partner niya. From the way it look tunay at wagas ang feeling ni John Lloyd kay Ellen.”

Sey pa niya, “The best Christmas joy for both, a baby to seal their love.”

Positive naman ang karamihan ng comments na nabasa namin sa IG post ni Nay Lolit at tila marami na ang nagsasabing tanggap ang relasyon nina John Lloyd at Ellen and even wish them well. Pareho naman daw single ang dalawa kaya wala rin silang nakikitang dapat maging isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?