688

Dec 3, 2017 @ 9:06
By

Ellen Adarna naglilihi sa lechon baboy?

Sa ‘truth’ lang, hindi kayang bayaran ng gaano man kalaking halaga, ke dolyares man yan, o peso kaya, ang mga ngiti, halakhak, na nararanasan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ngayon.

Well, larawan ng masayang misis at mister sina Lloydie at Ellen (kesehodang hindi pa sila kasal), at makikita ‘yan sa Instagram videos ng sexy star, ha!

Last Friday night nga ay napanood ko ang IG stories ni Ellen, na nilalaro-laro niya ang face niya, tawa nang tawa, at sobrang happy talaga. At sa last part ng video, biglang sumulpot ang face ni John Lloyd, at sabay halik sa pisngi ni Ellen. And after that, sabay na silang tumawa nang husto.

And sa next video naman, makikita si Lloydie na nag-iisip sa harap ng malaking refrigerator, at ang caption ni Ellen ay tipong ‘night craving’ ang drama ni John Lloyd.

Mapapansin ni Lloydie ang ginagawa ni Ellen, at matutunog na halakhak na naman ang pakakawalan nilang dalawa.

Ganun nga umiikot ang mga araw, o magdamag nina Ellen at John Lloyd, na pareho nga silang tawa lang nang tawa. At in fairness, ang ganda ng itsura ngayon ni John Lloyd, ha!

Parang sobrang at peace na at peace ang itsura niya. Ang happy-happy niya at parang wala nga siyang iniintinding career sa showbiz na napapabayaan na niya.

Teka lang, sa lechon nga ba naglilihi si Ellen? Makikita rin sa IG story niya ang ulo ng lechon na pinaglalaruan niya sa video niya. Super-close up ang mukha ng lechon baboy at tawa ulit nang tawa si Ellen. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?