1,661

Jan 12, 2022 @ 15:25
By

Ellen Adarna inayawan pa-Ferrari ni Derek

Inamin ni Ellen Adarna na tinanggihan niya si Derek Ramsay nang sabihing bibilhan na lang siya ng Ferrari car imbes na singsing.

Sinabi ito ni Ellen nang tanungin ng ilang follower niya sa Instagram tungkol sa pinakamahal na regalong natanggap niya.

Sey ni Ellen, ang pinakamahal na regalong natanggap niya ay ang singsing na ibinigay ni Derek.

Inalok pa raw siya noon ng aktor na sa halip na singsing, bilhan na lang siya nito ng Ferrari car ngunit ani Ellen, hindi naman siya mahilig sa sasakyan.

“I think this ring ‘day, because I remember Derek convincing me that he should just get me a Ferrari instead of this (ring). But I’m not into cars and I told him, ‘What am I going to do with that Ferrari?’,” ani Ellen.

Naglalaro sa P12 milyon pataas ang presyo ng isang Ferrari car sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?