Ellen Adarna, buntis kay John Lloyd?

Sharing is caring!

Usap-usapan ang pagiging buntis umano ni Ellen Adarna at ang ama ay si John Lloyd Cruz.

Ayon sa PEP, nagsimula ito matapos hindi makadalo si Adarna sa “Under the Stars” Denim and Fashion show ng Bench noong Nobyembre 18 sa Mall of Asia Arena kahit pa nga kasama siya sa mga promo video ng clothing company.

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Adarna at Lloydie noong Setyembre nitong taon matapos magpalabas ng iba’t ibang larawan at video ang sexy actress kasama ang aktor sa Cebu.

Sa Instagram account ni Ellen, makikitang hindi ito nagpo-post ng mga larawan na buong katawan niya ang makikita kundi puro mula ulo hanggang dibdib lang ang post nito.

Ilan sa mga followers ng aktres ang nagpahayag na ng kanilang pagbati sa pagbubuntis umano ni Adarna na ang ama ay si Lloydie kahit pa nga hindi pa kinukumpirma o itinatanggi ng dalawa ang usapin.

Sabi ni jrplaton: “Ikaw na winner girl sa puso ni popoy! Congrats!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?