90

Sep 22, 2017 @ 17:06

Ellen Adarna, bumigay na kay John Lloyd!

BUKING na nga sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa tunay na estado ng kanilang relasyon, base na rin sa mga photo postings nila sa Instagram.

Super-liwanag na nga na may romansang namamagitan kina Ellen at John Lloyd. Sa photo nila, nakayakap nang mahigpit si John Lloyd kay Ellen sa back-shot ng dalawa, sa nguso ng bangkang sinasakyan nila.

Putol ang bahaging-ulo nina Ellen at John Lloyd, na sa itsura ng dalawa ay parang naghahalikan pa. Kuha ang larawan sa pagbalik nila muli nila sa Cebu.

“And…just like that…because…why not?” simpleng caption ni Ellen, na tumutukoy na nga sa relasyon nila.

Suspetsa ng mga followegs ni Ellen, bumigay na talaga si Ellen kay Lloydie, at ang nasabing photo ay tanda ng pagiging official na ang pagiging magdyowa nila. (REY PUMALOY)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?