85

Oct 10, 2017 @ 10:16

Ellen Adarna at John Lloyd, bahay-bahayan ang peg sa Morocco

KABALIGTARAN sa mga naglalabasang balita na wala na raw existing contract si John Lloyd Cruz sa ABS-CBN ay mali. May kasalukuyan pa raw itong kontrata, hindi lang masabi ng source namin kung kailan mag-e-expire.

Lumalabas kasi sa mga balita na nag-expire na ang kontrata nito. Sa ngayon, naka-indefinite leave ang actor at kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Ellen Adarna sa Morocco.

Kung titingnan ang mga pino-post nila sa Instagram, lalo na si Ellen, tila wala namang pakialam ang dalawa sa kung anuman ang impression o iniisip sa kanila ng publiko o netizens.

As long as they’re happy and they seems to be happy naman. Para nga silang nagbabahay-bahayan habang nasa isang beach. Nag-post si Ellen sa kanyang Instagram stories ng pagkain nila.

Aniya, “Adobo by me and rice by @ekomsi.”

Ang @ekomsi ang Instagram account ni John Lloyd. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?