50

By

Ella tumulong sa paglaya ng scammer?

Sharing is caring!

Natawa na lang si Ella Cruz nang tanungin ito kung napatawad na raw ba si Xian Gaza.

Si Xian ang billboard suitor na nakulong kamakailan lang dahil sa scam, at nakalaya na rin agad.

“Wala naman siyang sinasabing sorry, pero as of now, ayoko ng pag-usapan kasi.”

Matagal na raw silang walang komunikasyon nito kahit noong bago pa ito makilala o magpa-billboard kay Erich Gonzales. Naka-move-on na siya sa isyu?

“Tagal na saka wala naman pong dapat ika-move-on dahil hindi naman ako naapektuhan.

“Diyos na ang may alam kung ano ang totoong nangyari. Yun lang ako.”

Muling sinagot ni Ella ang isyu kung nagkaroon ba sila ng relasyon. Aniya, wala raw talaga at hindi naging sila. Pero sa kabila ng pati pamilya niya ay nasangkot o naapektuhan sa ginawa raw ni Xian, nasabi pa rin ni Ella na mabait naman daw ito.

Sey niya, “Kasi siyempre, I don’t gonna judge you based on people’s post. Yun ang pangit kasi sa social media ngayon, isang click lang, paniniwalaan na.

“Pero siyempre, sarili mo na at Diyos na ang makakaalam ng totoo.

“Ako, naniniwala ako na mabuting tao si Xian at yung nakikita niyo, ano lang siya, overwhelmed. Yung Xian na nakikita ko ngayong nagpu-post, ‘di yun ang Xian na nakilala ko na na­ging business partner ko, na naging kaibigan ko.”

Natawa na lang din si Ella nang tanungin ito kung tumulong sa pag-raise ng pang-bail noong mag-fundraising si Xian.

“Para saan? Marami akong ibang pinagkakaabalahan. Hahaha!”

Sa isang banda, si Ella at si Donnalyn Bartolome ang ang mga bida ng bagong horror movie ng Viva Films, ang Cry No Fear na mapapanood sa June 20.

Ang ganda ng trailer at nakakatakot. Nagulat si Ella dahil tina-tag siyang Horror Princess ngayon.

“Horror Princess? Siguro po kasi marami lang akong nagagawang horror films. Pero ang target ko po talaga, hindi lang makilala as Millennial Dance Queen pero maging isang mahusay na aktres.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?