44

Sep 16, 2020 @ 21:38
By

Ella Cruz nag-aaral manahi

Seryoso sa kanyang pag-aaral na manahi ang dancer-actress na si Ella Cruz.

Sa katunayan ay bumili na raw ng sewing machine ang 24-year-old na si Ella para matuto siya ng bagong skills habang wala pang shooting dahil sa pandemya.

“Kabibili ko lang po ng sewing machine. Gusto ko kasi matuto ng bagong skills so feeling ko magtahi. Kasi gusto ko palagi i-alter ‘yong mga damit ko,” tsika ni Ella sa interview ni Phoemela Baranda sa “Ano’ng Ganap” show na in-upload sa Facebook, September 15.

“Gusto ko lagi gumawa ng damit for me pero ‘di ako marunong. So, bumili ako ng sewing machine para matuto na ako,” dagdag niya.

Maliban sa pag-aaral manahi, abala si Ella sa paggawa ng mga content ng kanyang YouTube channel at pagla-livestream ng kanyang mga online game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?