17

Oct 14, 2021 @ 20:08
By

Ella bilib sa Gilas Women

TIWALA si basketball stalwart Ella Fajardo sa potensiyal at ipapakita pang husay ng Gilas Pilipinas women’s basketball team sa hinaharap.

Sa nakalipas na 2021 FIBA Women’s Asia Cup na ginanap sa Amman, Jordan, tumapos ang Gilas women’s squad sa ikapitong puwesto ng torneo at nanatili sa Division A.

Nitong Huwebes sa TabloIds Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports on Air” via Zoom, ibinahagi ni 18-year-old Fajardo ang kanyang naging rating sa performance ng koponan.

“I know we have so much more in us. I mean, we did gave our best. I think our effort was maybe 9 out of 10 because like I said, everything that we were dealing with– not playing basketball for two years, basically that. Our effort, I thought was 9 out of 10 but just the potential that I see in us– we could be so much better if we just stick to the program, if we just have more time, have more support. I think we have incredible potential,” saad ni Fajardo sa weekly public service program na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games at Amusements Board (GAB).

Samantala, hindi naman tiyak ni Fajardo kung makakapaglaro ito kasama ang Gilas Women sa darating na 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon.

“Nothing is confirmed yet but I do not think that I will be participating in SEA Games because of my commitment to Fairleigh Dickinson University,” lahad ni Fajardo na freshman sa nasabing paaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?