31

Jun 21, 2021 @ 9:37
By

Elite ang level! Kai pasado kay Baldwin

Instant impact agad ang pinamalas ni Kai Sotto sa kanyang unang stint sa Gilas Pilipinas Men.

Sa tatlong laro, nag-average si Kai ng 9.3 points at 7.0 rebounds, sa kabila ng limitadong praktis sa national team.

Ayon kay Gilas head coach Tab Baldwin, halata na ibang lebel ang laro ni Kai, na sa USA nag-ensayo at nagpalakas bilang preparasyon sa pagkatok sa NBA.

“He is a young kid who hasn’t played a lot of elite-level basketball. Probably most of the elite ball he has played has been over in the States where the physicality of the game is very different,” lahad ni Baldwin.

“But it’s good that he has that mentality. It’s good that he has that toughness. I’m really impressed with how tough he is. I didn’t expect that,” saad pa ng tactician.

Mas titindi ang pagsubok para kay Kai sa parating na Fiba Olympic Qualifying Tournament (OQT), na lalaban kontra Serbia at Dominican Republic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?